Duterte, dapat iwas-mura ngayong Kuwaresma

 

Inquirer file photo

Pinayuhan ni Fr. Robert Reyes si Pangulong Rodrigo Duterte na manahimik at huwag magmura o ipag-utos ang pagpatay sa loob ng 40 araw ng Kwaresma

Kaugnay ito nang naunang pahayag kanina ni Fr. Reyes na manahimik muna si Pangulong Duterte bago pumasok sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame para sa pagdaraos ng misa.

Samantala, naluha umano si Sen. Leila de Lima habang nagbibigay sya ng kanyang homily sa misa.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng misa ang pari na nagsisilbing spiritual adviser ng senadora at every time umano na nagsesermon sya ay naluluha ang senadora.

Samantala, nasa maayos umanong kalagayan ang senadora sa loob ng piitan at unti-unti na umanong natatanggap ang kanyang kapalaran.

Sa ngayon, pangunahin umanong concern ng senadora sa loob ng piitan ang pagdagdag ng timbang kung kaya gumagawa ito ng paraan para mag-exercise.

Kaugnay nito, umaasa naman ang senadora na makakalabas sya ng piitan sa pagtatapos ng Biyernes Santo.

Ayon kay Reyes, inaasahan ng senadora na kakatigan ng SC ang kahilingan na panibagong TRO na ihinain ng kampo ni De Lima.

Read more...