Ayon kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Glorioso Miranda, nasa kabuuang 13,910 ang kanilang kailangan ire -recruit para punan ang mga bakanteng tropa mula sa ibat ibang Army units sa buong bansa.
Ani Miranda, nangangailangan ng 349 officers na mga 2nd Lieutenant; 8,892 na mga sundalo para sa special quota na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte; 1,069 para sa bagong organized na 54th Engineer Brigade at nasa 3,600 na mga sundalo na siyang annual quota replacement sa Philippine Army.
Karamihan sa mga bagong recruits ay ilalagay sa Army infantry, cavalry at artillery units.
Habang ang ibang recruits naman ay idedeploy sa engineering brigade, communication, logistics at mga administrative function.
Binigyang diin ni Miranda na sa kabuuang bilang ng mga recruits, 10 percent dito ay mga babae habang five percent mula sa indigenous people.
At kapag na recruit na ang isang candidate soldier ay makakatanggap ito ng gross income na nasa P16, 852 at kapag enlisted na ang bagong Private ay makakatanggap ng gross income na nasa P23,204.00 bukod sa mga allowances at benefits.