Panukalang bitay lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara
Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikalawang pagabsa ang kontrobersyal na Death Penalty Bill, sa mismong araw ng Ash Wednesday.
Sa botohan, nanaig ang mga pabor sa panukala, sa pamamagitan ng viva voche voting.
Pero bago ang mismong 2nd reading approval, muling isinalang ang House Bill 4724 para sa amyenda, na kumain ng mahabang oras.
Unang nagpasok ng amyenda, si House Deputy Speaker Ronaldo Andaya.
Kabilang sa kanyang pina-aamyendahan ay ang pagbabago sa titulo ng House 4727 o Death Penalty Law, at gawin na lamang Comprehensive Dangerous Drugs Law.
Pero tumanggi si House Justice Panel Chairman Reynaldo Umali rito at natalo rin si Andaya sa hirit na pagbotohan ang kanyang apela.
Sunod na sumalang para ipasok ang nais niyang amyenda si si Albay Rep. Edcel Lagman na isa sa mga kongresistang kilalang anti-death penalty bill.
Ang kanyang amyenda, burahin ang lahat ng parusang kamatayan sa ilalim ng Death Penalty bill at sa halip ay ilagay ang life imprisonment bilang maximum offense pero ibinasura rin ito ni Umali.
Naglatag din ng amyenda ay sina 1-Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, Akbayan PartylistL Rep. Tom Villarin, Siquijor Rep. Ramon Rocamora, Kabayan Parylist Rep. Harry Roque, Buhay Partylist Rep. Lito Atienza at iba pa na pawang na-reject din.
Pero sa paulit-ulit na lamang ang mga sumunod na amyenda, tumayo na si House Majority Leader Rodolfo Farinas para muling magpa-roll call at magbotohan para sa terminasyon ng period of amendments, hanggang sa nagkabotohan na.
Ang Death Penalty bill ay ini-akda sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Mula sa dating dalawampu’t isang krimen na target na patawan ng parusang kamatayan, ibinaba ito sa apat hanggang sa tuluyan nang maging limitado sa drug-related crimes.
Sa March 8, itinakda ng Kamara ang ikatlo at huling pagbasa para sa Death Penalty bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.