Mga kaibigan at supporters nag-alay ng espesyal na misa para kay De Lima
Nag-umpisa nang magdatingan ang mga supporters at staff ni Sen. Leila De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame pasado alas-dos ng hapon kanina.
Dumating na rin si Father Robert Reyes na siyang mangunguna sa misa na nagsimula alas-tres ng hapon kaalinsabay ng Ash Wednesday para sa mga Katoliko.
Ginanap umano ang misa sa visitation area sa loob ng PNP Custodial Center kung saan inaasahan na magpapalagay nang abo sa noo ang senadora.
Hindi naman inaasahan na makakadalo sina dating Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla at tanging para kay de Lima inilaan ang misa.
Mananatili ang spiritual adviser ni De Lima na si Father Robert Reyes at ang mga staff at supporters sa custodial center hanggang alas-singko ng hapon.
Hindi naman umano makakadalo ngayong araw si dating Pangulong Noynoy Aquino na nagrequest na rin sa PNP para makadalaw kay De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.