Mga kababaihang Democrats nagsuot ng puting damit bilang protesta kay Trump
Nagsuot ng kulay puting damit ang mga kababaihang kasapi ng Democrats sa kanilang pagdalo sa unang Presidential address ni U.S
President Donald Trump.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni House Minority Leader Nancy Pelosi na ito ay pagpapakita ng kanilang pagtutol sa ilang polisiya ng kasalukuyang pamahalaan.
Kanilang ring isinusulong ang pantay na kapangyarihan lalo na sa pamahalaan sa pagitan ng mga kalalakihan at mga kababaihan.
Umaabot sa 66 na kababaihang miyembro ng minorya ang dumalo sa joint session ng kanilang kongreso ang pawang mga nakasuot ng puting damit.
Ang tinatawag na “suffrigette white dress” ay unang ipinakita bilang political color noong 1908 ni Emmeline Pethick-Lawrence na siyang founder ng Votes for Women na nanawagan ng gender equality sa London noong mga panahong iyun.
Kabilang naman sa isinusulong ng mga kababaihang kasapi ng Democrats sa U.S Congress ay ang affordable healthcare, planned parenthood at equal pay para sa mga empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.