Petron, may rollback sa presyo ng LPG ngayong unang araw ng Marso
Nagpatupad ng bawas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron ngayong unang araw ng buwan ng Marso.
Epektibo ang rollback ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas kaninang alas 12:01 ng madaling araw.
35 centavos kada kilo o katumbas na P3.85 kada 11-kilogram cylinder ang ibinawas sa presyo ng LPG.
Habang may rollback din na 20 centavos per liter ang nasabing kumpanya sa kanilang autoLPG.
Ayon sa Petron, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.