Hanggang huwebes na lamang ang ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga online-based Transportation Network Company upang mapa-rehistro ang kanilang mga sasakyan.
Pagkatapos nito ay huhulihin na ng ahensiya ang mga hindi nakapagrehistrong sasakyan at hindi na papayagan pang maka-biyahe ang mga sasakyang nakapaloob sa mga online apps tulad ng Uber at GrabCar.
Dahil sa deadline, nagsumite na ngayong hapon ng request for accreditation sa LTFRB ang Uber.
Paliwanag ng LTFRB, ‘subject for review’ pa ang hiling na accreditation ng Uber.
Una rito, nagpa-rehistro na bilang isang transportation network company ang GrabCar.
Samantala, itinanggi rin ng ahensya na kanilang kukumpetensyahin ang mga Uber at GrabCar sa pamamagitan ng ‘premium taxi’.
Giit ni LTFRB Chairman Winston Ginez, mga pribadong operators din at hindi LTFRB ang magmamay-ari ng mga ‘premium taxi’.
Papayagan aniyang bumiyahe ang ilang mamahaling sasakyan na irerehistro bilang premium taxi at bibigyan ito ng mga dilaw na plaka./ Jen Cruz-Pastrana
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.