Pinayuhan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang kaniyang mga kapwa miyembro ng Liberal Party na ngayon na ang panahon para magsalita, at iparinig muli ang boses ng kanilang partido.
Ayon kay Liberal Party secretary general Kit Belmonte, ang nais iparating sa kanila ng dating pangulo sa kanilang caucus kahapon ay ang maging constructive at supportive sa pamahalaan, nang hindi binibitiwan ang kanilang mga prinsipyo.
Ani Belmonte, nais ni Aquino na muling mapagtanto ng mga tao ang kanilang mabuting intensyon sa bansa.
Samantala, ipinauubaya naman na ni Aquino kay LP president Sen. Francis Pangilinan ang pagbibigay detalye sa mga napag-usapan sa kanilang caucus.
Pinaninindigan rin ni Aquino ang kaniyang ipinangakong isang taong pahinga mula sa pagpuna sa administrasyon.
Ito aniya ay para na rin mabatid ng mga tao na pinaninindigan niya ang kaniyang mga binibitiwang salita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.