Pagdadala ng mga kalakal sa ARMM, nahinto dahil sa mga pirata

By Kabie Aenlle March 01, 2017 - 04:15 AM

 

Mula sa Inquirer.net/REZA-ARMM

Sinuspinde muna ng mga international traders ang pangangalakal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) gamit ang Polloc Port sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang Polloc Port kasi ang nagsisilbing pangunahing daanan ng international trade sa rehiyon.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na mga pag-atake ng mga pirata sa Sulu na dinadaanan ng mga kargamento.

Ayon kay Ishak Mastura, chairman ng ARMM Regional Board of Investments, nababahala na sila sa pagiging laganap ng pamimirata sa Sulu sea, na lubha nang nakaapekto sa kanilang international trade na nagreresulta ng kawalan ng kita ng rehiyon.

Naitala ang pinakahuling pag-atake noon lamang February 19, kung saan pinatay ng mga pirata ang isang tripulanteng Vietnamese, at dinukot ang pitong iba pa nitong kasamahan.

May kargang 4,500 toneladang semento mula Indonesia ang carrier na Giang Hai ng Vietnam.

Ayon sa report ni Polloc Port manager Hexan Mabang, ito ang naghudyat sa pagsuspinde ng ilang mga shipments ng semento at iba pang kargamento, dahil ayaw na ng mga charter vessels na dumaan sa Sulu Sea patungo sa Polloc at iba pang pantalan sa Mindanao.

Hindi naman agad na natukoy kung gaano karaming kargamento ang pansamantalang sinuspinde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.