Halos 100,000 ektarya ng lupang-agrikultural, sumailalim na sa land conversion-DAR

 

Mula sa Inquirer

Umaasa ang Department of Agrarian Reform (DAR) na masosolusyunan ng Duterte administration ang patuloy na lumalawak na land conversion ng mga lupang sakahan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa pamamagitan ng hinihiling na two-year ban kontra sa land conversion, nais ng Kagawaran na pansamantalang mahinto ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa land conversion.

Sa oras na maaprubahan ang two-year ban, muling rerebisahin ng DAR ang lahat ng mga conversion applications na kanilang natanggap mula June 15 1988 hanggang June 30, 2016.

Ito’y upang matukoy at malaman ang lawak ng mga lupang agrikultural na naisailalim sa land conversion sa nakalipas na panahon.

Ayon kay DAR Secretary Rafael Mariano, saklaw rin ng mungkahing two-year ban ang lahat ng mga nai-award na lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Refortm Law (CARL) at iba pang batas na may kaugnayan sa lupa.

Sa pinakahuling pagtaya ng DAR, umaabot sa 97,592.5 na ektarya ng lupang pang-agrikultura ang isinailalim na sa land conversion.

Ito ay katumbas ng lawak ng lupa ng Metro Manila at Cebu City.

Read more...