Pag-atake ng NPA sa isang power plant, kinondena
Mariing kinondena ng Department of Energy (DOE) ang pag atake ng New People’s Army (NPA) sa hydropower plant project sa Barangay Lumbayao, Valencia City sa Bukidnon noong nakaraang Sabado (25 February).
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi niya makita ang saysay sa nasabing pag-atake dahil hindi naman ito isang military installation kundi isang development project na tutulong na iakyat ang socio-economic situation ng mga tao sa bukidnon.
Sinabi ni Cusi na tiyak na maaantala din ng nasabing pag-atake ang timeline ng pagkumpleto sa hydroelectric project.
Kaugnay nito, isang Inter-Agency Task Force na magbibigay seguridad sa mga Energy Facilities ang kanilang pakikilusin.
Bubuuin ito ng DOE, Philippine National Police (PNP), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Transmission Corporation (TransCo), National Electrification Administration (NEA) at the National Power Corporation (NPC)
Tutulungan ito ng DOE Mindanao Field Office para matiyak na matatapos ang nasabing proyekto sa kabila ng pag-atake ng npa.
Ang 10.6 megawatts Pulanai Hydroelectric Power Plant project ng Repower Energy Development Corp. at Manila Electric Co ay nakatakda sanang makumpleto sa unang bahagi ng 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.