Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobeyerno ng Germany dahil sa kabiguan ng gobyerno na mailigtas ang buhay ng kanilang mamamayan na pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon sa pangulo, nakikisimpatya siya sa pamilya ni Juergen Gustav Kantner.
Sinabi ng pangulo na ginawa ng gobyerno ang lahat para mailigtas ang dayuhang bihag subalit sadyang matinik ang mga Abu Sayyaf.
Kasabay nito pinanindigan ng pangulo ang no ransom policy ng gobyerno dahil kung pinayagan ito ay lalong magkakaroon ng dahilan ang mga bandido para muling mangidnap at wala ng magiging katapusan ang ganitong gawain.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, nasa dalawampu’t pito pa ang bihag ng ASG kabilang na ang pitong Vietnamese na dinukot kamakailan lamang.