8-anyos na bihag pinakalawan ng Abu Sayyaf Group

By Den Macaranas February 28, 2017 - 05:08 PM

Rexon
Photo: PCO

Iniharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang walong taong gulang na batang lalaki na ilang buwan ring naging bihag ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Si Rexon Romoc kasama ang kanyang mga magulang na sina Elmer at Nora ay dinukot ng mga bandido noong August 5, 2016 sa Zamboanga Sibugay at saka sila dinala sa lalawigan ng Sulu at nagpalipa’t lipat sa mga kuta ng Abu Sayyaf.

August 22, 2016 ay pinalaya si Nora makaraang magbayad ng ransom at noong nakalipas na November 13 naman pinakawalan si Elmer nang sila ay magbayad ng P1 Million sa bandidong grupo.

Sinabi ni Nora na ipinangutang nila ang nasabing halaga pero hindi pumayag ang mga kidnappers na pakawalan ang batang si Rexon.

Sa tulong ng mga opisyal ng Moro National Liberation Front at ilang local officials sa lalawigan ng Sulu ay pinalaya ng mga bandido ang batang bihag.

Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza na walang ibinayad para sa kalayaan ni Rexon.

Kanina sa Malacañang ay muling nabuo ang kanilang pamilya sa harap ni Pangulong Duterte.

TAGS: Abu Sayyaf, dureza, duterte, rexon, Sulu, Abu Sayyaf, dureza, duterte, rexon, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.