Bitay sa isang Pinay sa death row sa UAE muling ipinagpaliban

By Mariel Cruz February 28, 2017 - 04:34 PM

UAENaudlot ang nakatakdang pagbitay sa isang Pinay househelper sa Al Ain sa United Arab Emirates na nahatulan ng parusang kamatayan matapos patayin ang lalaking employer noong 2015.

Ito’y matapos ipagpaliban ng isang criminal court sa Al Ain ang pagpapataw ng nasabing kaparusahan sa Pinay na si Jennifer Dalquez.

Batay sa ulat na inilabas ng Khaleej Times, ipinagpaliban ng Al Ain’s Criminal Court of First Instance ang pagbitay kay Dalquez dahil hihintayin pa ng desisyon ng mga anak ng biktima kung ipagpapatuloy ang parusang kamatayan o hihingi na lang ng blood money.

Maaaring hindi ipataw ang parusang kamatayan kay Dalquez kung tatanggi ang dalawang anak ng biktima na sumumpa sa korte at sa halip ay humingi nalang ng blood money.

Para mapagtibay ng korte ang pagbitay sa Pinay househelper, kinakailangan na limanpung beses na sumumpa ang mga anak ng biktima sa korte na nagsasabing si Dalquez nga ang pumatay sa kanilang tatay.

Sakaling hindi makasumpa sa korte ang nasabing mga anak, ipatutupad na lamang ang paghingi ng blood money.

Kinakailangan magbayad ni Dalquez ng bloob money na aabot sa 200,000 Dirhams o mahigit sa P2.7 Million sa pamilya ng biktima at makukulong batay sa kung gaano katagal ang mapagdedesisyunan ng korte.

Taong 2011 nang magsimulang magtrabaho si Dalquez sa UAE at nakatakda na sana itong bumalik sa Pilipinas noong 2015.

TAGS: dalquez, death row, ofw, pinay, UAE, dalquez, death row, ofw, pinay, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.