Tiniyak ng liderato ng Liberal Party na hindi nila ipipilit sa mga kapartido ang posisyon nito sa panukalang batas na nagbabalik sa parusang kamatayan sa Pilipinas.
Ginawa ito ni Senador Kiko Pangilinan, pangulo ng partido Liberal matapos ang kanilang kasama ang iba pang miyembro nito.
Ayon kay Pangilinan, kung ang LP ang tatanungin ay kontra sila pagbabalik ng death penalty.
Gayunman, igagalang nila ang ibang posisyon ng mga kapartido nito.
Pinayuhan rin ni Pangilinan ang mga kasapi nito na pag isipang mabuti ang posisyon nila sa nasabing panukala na nakatakdang pagbotohan ngayong linggo.
Aminado din si Pangilinan na pinag-aaralan pa nila kung kakalas na sa super majority ang Liberal Party.
MOST READ
LATEST STORIES