Napilitan ang isang eroplano ng Korean Air na magsagawa ng emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos makaranas ang nasabing eroplano ng technical problem.
Galing ang Korean Air flight sa Singapore at patungo na sana ng Incheon, South Korea nang biglang mag-emergency landing sa NAIA.
Dahil dito, bahagyang na-delay ang pagdating ng nasabing flight sa patutunguhang destinasyon.
Kasunod nito, masusing ininspeksyon ng mga otoridad ang nasabing eroplano habang nanatili naman sa loob ang mga pasahero.
Matapos ang inspeksyon, wala naman nakitang problema sa eroplano kung kaya’t ipinagpatuloy na nito ang biyahe patungong Incheon South Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.