LP members, nagpatawag ng caucus, matapos ang revamp sa Senado

By Isa Avendaño-Umali February 28, 2017 - 12:37 PM

Liberal congs1Nagpulong ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) ngayong araw, kasunod ng naganap na rigodon sa posisyon sa senado kahapon.

Dumating sa pulong sina dating Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Leni Robredo.

Dumalo rin sa meeting sina Senador Franklin Drilon at Kiko Pangilinan, na kapwa sinipa sa mga posisyon nila sa Senado.

Sa panig ng LP congressmen, present sina Reps. Feliciano Belmonte, Miro Quimbo, Edcel Lagman, Teddy Baguilat, Kit Belmonte, Raul Daza, Bolet Banal at iba pa.

Maliban kina Lagman at Baguilat, ang mga nabanggit na kongresista ay bahagi ng supermajority ng Kamara.

Kahapon, matatandaan na inalisan ng mataas na posisyon sa senado sina Drilon, Pangilinan, Senators Bam Aquino at iba pa.

Ang mga naturang senador ay bahagi na ngayon ng minorya sa mataas na kapulungan.

 

 

TAGS: liberal party, LP congressmen, LP Senators, liberal party, LP congressmen, LP Senators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.