Pagsipa sa posisyon sa LP senators, posible ring sapitin sa LP congressmen

By Isa Avendaño-Umali February 28, 2017 - 12:20 PM

phl_congressInaasahan na rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sasapitin din ng mga kongresistang miyembro ng Liberal Party ang nangyari sa mga LP senators na pinagtatanggal sa posisyon.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang mga kasamahan sa senado ay dapat asahan na ng mga LP congressmen na hindi na solido o walang katiyakan na mananatili sila sa posisyon sa kamara.

Welcome naman aniya sa independent minority ang mga LP congressmen na matatanggalan ng chairmanship o iba pang pwesto sa kamara o kaya naman ay kusang kakalas sa super majority.

Karamihan ng LP congressmen ay pawang nasa super majority sa kasalukuyan.

May deputy speaker ang LP at kabilang naman sa nabigyan ng chairmanship ay si dating House Speaker Feliciano Belmonte na chairman ngayon ng Special Committee on West Philippine Sea.

Si Lagman, na bagama’t kasapi ng LP, ay hindi sumapi sa supermajority sa kamara at sa halip ay isa sa bumuo ng independent minority sa kapulungan na tinatawag na Magnificent 7.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Chairmanship, congressmen, liberal party, LP, Radyo Inquirer, revamp, senate revamp, Chairmanship, congressmen, liberal party, LP, Radyo Inquirer, revamp, senate revamp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.