Ipinag-utos ng Sandiganbayan na mapatawan ng contempt ang isa sa mga abogado ni dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Ito ay dahil sa kabiguan ni Atty. Robert Sison sa pagdinig ng korte kaugnay sa graft case ni Marcos.
Dahil dito, pinagbabayad si Sison ng P2,000 para sa kanyang non-appearance sa hearing ng 5th division ng anti-graft court.
Ayon sa korte, ang kabiguan ng kampo ni Marcos na magpakita sa pagdinig ay nangangahulugan din ng pag-waive sa karapatan makapagprisenta ng dagdag na mga ebidensya.
Nabatid na tatlong beses nang no-show si Sison sa mga pagdinig ng Sandiganbayan.
Bunsod pa rin ng non-appearance ng kampo ni Marcos, naghahanda na ang proseksuyon laban sa depensa sa susunod na hearing sa Mayo.
Ang kaso ni Marcos ay hinggil sa umano’y ill-gotten wealth sa Swiss deposits.