Pinay nurse na nakalaya sa pagkakabihag ng ISIS, ikinuwento ang karanasan sa kamay ng mga rebelde

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2017 - 08:28 AM

REUTERS PHOTO-Ismail Zitouny
REUTERS PHOTO-Ismail Zitouny

Isinalaysay ng isang Pinay nurse ang naging karanasan niya at iba pang kasamahang Pinay habang sila ay bihag ng mga miyembro ng Islamic State sa Sirte City sa Libya.

Ayon sa nasabing Pinay na nakalaya mula sa pagkakabihag ng ISIS noong nakaraang taon, pinuwersa silang manggamot ng mga nasusugatang rebelde at magbigay ng medical training.

Sa panahon ng kanilang pagkakabihag, itinalaga umano sila sa main hospital sa Sirte kung saan ginagamot ang mga nasusugatang tauhan ng ISIS.

Maliban dito, inatasan din umano sila na bigyan ng medical training ang mga rebelde para matuto sila ng first aid.

Batay sa ulat ng Reuters, nakalaya umano sila sa kasagsagan ng pagtugis ng mga otoridad sa ISIS para mabawi ang Sirte noong Disyembre 2016.

Kwento pa ng Pinay, araw-araw silang nangangamba para sa kanilang kaligtasan dahil lagi silang pinagbabantaan na sila ay papatayin.

Ang nasabing Pinay nurse ay nakatakdang pabalikin sa Pilipinas kasama ang pito pang babae, isang lalaki at isang 10 buwang gulang na sanggol.

 

 

 

 

TAGS: Filipina nurses, ISIS, kidnapping incident, Sirte Libya, Filipina nurses, ISIS, kidnapping incident, Sirte Libya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.