Guidelines sa PUV modernization, ilalabas ng DOTr at LTFRB; mga tsuper gagawing swelduhan na lang
Nakatakdang maglabas ng guidelines ang Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) para sa ipatutupad nilang modernisasyon sa mga public utility vehicles (PUVs).
Sa ilalim ng planong modernization ng mga Public Utility Vehicle, nais ng DOTr at LTFRB na gawing swelduhan na lamang ang mga tsuper at may karampatang benepisyo gaya ng isang empleyado.
Ayon sa DOTr, sa ganitong paraan, hindi na kailangang magmaneho ng mga driver ng jeep ng higit sa walong oras at hindi na rin nila kailangang magkipag-agawan o mag-unahan sa pasahero.
Sinabi ng DOTr na sakop din ng modernization program na ito ang mga bus, UV express at iba pang pampublikong sasakyan.
Maliban dito, para maiwasan din ang sobrang dami ng PUVs na bumibiyahe, hihingan ng transport plans ang mga LGU para malaman kung gaano lang talaga karami ang kinakailangang PUVs sa kanilang lugar ang mga rutang kailangang aprubahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.