Panahon ng tag-init, nalalapit na ayon sa PAGASA

summer
RADYO INQUIRER FILE PHOTO

Patuloy ang paghina ng Amihan habang lumalakas naman ang easterlies na umiiral sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, nangangahulugan ito na unti-unti nang nagkakaroon ng transition period patungo sa panahon ng tag-init.

Sa datos ng weather bureau, kahapon, umabot sa 32.8 degrees Celsius ang naitalang pinakamainit na temperatura sa Science Garden sa Quezon City alas 3:50 ng hapon.

Sa ngayon, ang northeast monsoon ay umiiral na lamang sa Northern Luzon, habang ang easterlies ay nakaaapekto sa eastern section ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi ni PAGASA forecaster Chris Perez, sa mga susunod na araw, inaasahang makararanas na ng mainit na temperatura sa tanghali at hapon.

 

 

Read more...