Singil sa tubig tataas sa buwan ng Abril

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2017 - 06:29 AM

Water rateMaliban sa pagtaas ng singil sa bayarin sa kuryente, may pagtaas din sa singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Joey Yu, ang pagtaas sa halaga ng singil sa tubig ay dahil sa foreign currency differential adjustment o FCDA.

Sinabi ni Yu na ang itataas na presyo sa singil sa tubig ay pinagsamang FCDA para sa 1st at 2nd quarter ng taon.

Hindi kasi inaprubahan ng MWSS ang price adjustment para sana sa unang quarter na iminungkahi ng Manila Water na 70 centavos kada cubic meter at sa Maynilad na 37 centavos kada cubic meter.

Dahil dito sa buwan ng Abril, pinagsamang halaga ng 1st Quarter at 2nd Quarter FCDA ang madaragdag sa singil.

Nakatakda namang ianunsyo ng MWSS ang kabuuang halaga ng itataas sa singil sa tubig sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, mwss, price hike, water price, water rate, manila water, maynilad, mwss, price hike, water price, water rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.