Pag-iimbestiga ng DOJ sa INC, ‘political blackmail’ – Center law

August 17, 2015 - 03:17 PM

iglesia ni cristoPolitical blackmail.

Ganito ilarawan ni Atty. Harry Roque ng Centerlaw ang utos na pagpapa-imbestiga ni Justice Secretary Leila de Lima sa umano’y problema ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ginawa ni Roque ang pahayag makaraang sabihin ng Palasyo, partikular ni Secretary Sonny Coloma na suportado ng Malacañang ang imbestigasyon ng DOJ sa isyu.

Pero tanong ni Roque, ano ang karapatan ng DOJ na mag-imbestiga gayong wala namang complainant?

Sa ilalim aniya ng batas at umiiral na international treaties, tanging ang krimen lamang ng ‘torture’ ang pinapayagan na maimbestigahan kahit walang complainant, pero hindi umano ito ginagawa sa kaso ng posibleng ‘abduction’ o pagdukot.

Dahil dito, naniniwala si Roque na isang pormal ng pamba-blackmail sa pulitika ang ginagawang imbestigasyon dahil inaasahang isa si De Lima sa mga maghahayag ng kandidatura sa pagka-senador.

Hindi umano katanggap-tanggap ang ganitong uri ng panggigipit dahil nalalabag na ang freedom of religion na ginagarantiyahan ng Konstitusyon./ Ricky Brozas

 

 

TAGS: DOJ, Iglesia ni Cristo, DOJ, Iglesia ni Cristo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.