Video ng pagpatay sa German hostage, inilabas ng Abu Sayyaf

By Kabie Aenlle February 28, 2017 - 04:29 AM

 

Mula sa SITE Intel Group

“Now he kill me.”

Ito ang mga huling katagang binitiwan ni Jurgen Kantner, ang German hostage ng bandidong Abu Sayyaf group, bago siya pugutan ng ulo ng mga ito.

Nag-leak ang isang video na may habang isang minuto at 43 segundo sa internet kung saan makikita ang ginawang pagpatay ng Abu Sayyaf kay Kantner, dahil bigo nilang makuha ang hinihinging P30 million na ransom kapalit ng buhay ng banyaga.

Tahimik lang si Kantner na unang nakita sa video na nasa lupa habang nakasuot ng itim na shirt at pantalon, at ang kaniyang mga kamay ay nakagapos sa kaniyang likod.

Tinulungan siya ng isa sa mga bandido na makatayo habang nakikipagusap sa kaniyang mga kasamahan.

Pagkatapos nito ay lumitaw ang isang lalaking naka-takip ang mukha, bitbit ang isang kurbadong kutsilyo na tulad ng ginagamit ng mga sacada.

Bigla nitong hinawakan si Kantner, na ang tanging nasabi na lamang ay “Now he kill me.”

Nakita dito ang paghihingalo ni Kantner habang ilang ulit siyang ginilitan ng nasabing bandido habang sumisigaw sila ng “Allahu Akbar.”

Makikita pang itinaas ng bandido ang ulo ni Kantner habang patuloy ang kanilang pagsigaw ng “Allahu Akbar,” at saka ito inilagay malapit sa kaniyang katawan bago umalis matapos ang video.

Si Kantner ay dinukot ng mga bandido noong nakaraang taon kasama ang kaniyang misis na si Sabine Merz, sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu.

Agad namang pinatay ng grupo si Merz matapos umanong lumaban sa mga suspek, at saka tuluyang dinukot si Kantner.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.