Harassment at panlalait na ang ginagawa ng mga kritiko ni Senador Grace Poe.
Bwelta ito ng kampo ni Poe matapos maghain ng panibagong kaso sa Commision on Elections ang talunang Senatorial candidate na si Rizalito David dahil sa umano’y misrepresentation ng senadora.
Ayon kay atty. George Garcia, legal counsel ni Poe, walang ginawang misrepresentation ang senadora dahil isa siyang ‘natural born Filipino’.
Sinabi pa ni Garcia na malinaw na naghahanap lamang ng ‘forum’ si David para mailabas ang mga walang basehang akusasyon.
Tiwala si Garcia na kakatig sa kanilang hanay ang Kataas-taasang Hukuman ukol sa naturang usapin.
Masyado na aniyang inaapi si Poe.
Ayon pa kay Garcia, ganito rin ginawa ng mga kritiko noon ama ng senadora na si Fernando Poe Jr.
Lubha aniyang minamaliit ng nga kritiko ang talino at pang-unawa ng Pinoy./ Chona Yu