STL ginagawang front ng Jueteng sa Cagayan

By Jan Escosio February 27, 2017 - 08:36 PM

jueteng
Inquirer file photo

Muling nanawagan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alex Balutan sa Philippine National Police (PNP) na seryosong ipatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang mga ilegal na sugal partikular na ang Jueteng.

Giit ni Balutan patuloy na namamayagpag ang jueteng kung saan mayroon ng legal na operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Banggit nito nakakuha sila ng leaflet ng Meridien Vista Gaming Corporation na ginagamit sa Jueteng ang STL sa Sta. teresita, cagayan.

Kasabay nito ang panawagan ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz sa mga local officials ng Cagayan na tuldukan na ang operasyon ng Meridien na ginagawang Jueteng front.
Aniya ang Meridien aniya ay dapat nag-ooperate lang sa loob ng Cagayan Economic Zone sa Sta. Ana, Cagayan ngunit lumalabas na may operasyon din ito sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

TAGS: Cagayan, jueteng, meridien, STL, Cagayan, jueteng, meridien, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.