Best Picture nasungkit ng “Moonlight” sa kontrobersiyal na Oscars award
Tila naulit sa katatapos na Oscars ang naganap sa Miss Universe noong 2015 nang maling pangalan ang sinasabing nanalo sa nasabing event.
Inamin ng mga award presenters na sina Warren Beatty at Faye Dunaway na nagkamali sila ng sabihin nina na ang pelikulang “La La Land” ang nanalong Best Picture.
Nasa itaas na ng stage ang mga artista ng pelikulang “La La Land” kung saan ay pinasasalamatan na nila ang mga nasa likod ng kanilang matagumpay na pelikula nang biglang pumasok sa eksena ang host na si Jimmy Kimmel.
Kasunod ni Kimmel ang isa sa mga production staff na kaagad na nakipag-usap sa ibang artista ng “La La Land” kung saan ay ipinakita nito ang tunay na listahan ng nanalong Best Picture.
Kaagad namang inako ni Beatty ang pagkakamali, “That’s why I took such a long look at Faye….I wasn’t trying to be funny.”
Early favorite sa Oscars ang La La Land pero may mga nagsabi rin na gagawa ng marka sa taong ito ang pelikulang “Moonlight” na siyang tunay na nanalo bilang Best Picture.
Sa pagtatapos ng Oscars ay nag-iwan ng mga salita si Kimmel na nagpalamig sa bahagyang tensyon na nilikha ng nasabing blunder, “I blame myself for this… I knew I would screw this show up, I really did.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.