Inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang cartographic sketch ng suspek sa panibagong insidente ng road rage na naganap sa Quezon City.
Nasawi sa insidente ang 27-anyos na si Anthony Mendoza matapos makasagutan ang driver ng isang kulay puti na Toyota Land Cruiser na may plakang AHA 3454 noong Sabado, February 25.
Sa inilabas na artist sketch, nasa edad 30 hanggang 35 ang suspek at maputi.
Sa pakikipag-ugnayan ng QCPD sa Land Transportation Office (LTO) ang plate number na AHA 3454 ay nakarehistro sa isang Toyota Avanza, gayong ang nakuhanan sa CCTV footage ay Land Cruiser ang gamit ng suspek.
Umapela naman ang pamilya ng biktima para mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ni Mendoza.
MOST READ
LATEST STORIES