Aabot sa 74 na milyon pisong halaga ng rhinoceros horns ang nakumpiska ng bureau of Customs.
Ang nasabing mga rhinoceros horns ay itinurn-over ng BOC sa Biodiversity Management Bureau (BMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Isinagawa angpagturn-over sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
Tinanggap ni BMB Director Theresa Mundita Lim ang mga nasabat na kontrabando.
Ayon kay Lim, ipinakikita lamang nila na mahigpit ang pagpapatupad ng Pilipinas sa pandaigdigang kampanya laban sa illegal wildlife trade.
May commitment din aniya ang Pilipinas sa Convention on International Trade in Endangered Species o CITES para sa pagsawata ng illegal wildlife trafficking and trade.
Ang rhino horns ay ginagamit umano bilang sangkap sa paggawa ng aphrodisiac product o pampagana sa pakikipagtalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.