Ayon kay Dela Rosa, ito ay base umano sa intelligence report na nakalap ng PNP sa Sulu.
Pero nilinaw ni Dela Rosa na base lamang ito sa intelligence report na natanggap niya kahapon at hinihintay pa ang investigation report ng insidente.
Magkaiba umano ang intel report at investigation report kung kaya sa ngayon ay patuloy ang pag-validate sa impormasyon ng pagpugot ng ulo sa Aleman.
Napaso ang deadline na itinakda ng ASG para sa pagbabayad ng P30M ransom para sa pagpapalaya sa bihag na dayuhan.
Ang AFP at si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ay bigo pang kumpirmahin ang nasabing ulat.