5 sa 13 bilanggo na nakatakas sa bilangguan sa Pampanga, muling naaresto

By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2017 - 10:22 AM

NBI PDEAHawak na muli ng mga otoridad ang 5 sa 13 drug suspects na tumakas mula sa detention facility sa Pampanga nitong weekend.

Ito ay matapos na kusang isuko ang limang preso ng kanilang mga kaanak.

Ang limang preso ay mula sa bayan ng Balagtas sa Bulacan.

Patuloy naman ang isinagasawang manhunt operations ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para madakip ang walo pang tumakas na preso.

Ayon kay PDEA spokesman Derric Arnold Carreon ang 13 drug suspects ay tumakas sa kanilang selda sa loob ng kampo ng PNP sa San Fernando City kahapon (Linggo) ng umaga.

Nilagari umano ng mgapreso ang bakal ng kanilang selda.

Pawang residente ng Bulacan ang mga nakatakas na preso.

 

TAGS: drug suspects, jail break, Pampanga, PDEA, PNP, drug suspects, jail break, Pampanga, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.