Umano’y pagpugot ng Abu Sayyaf sa ulo ng bihag na German, hindi pa din makumpirma ng AFP
Hindi pa makumpirma hanggang sa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat na pinugutan ng ulo na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag na Aleman na si Juergen Gustav Kantner.
Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, hangga’t hindi validated ang mga ulat, hindi ito dapat basta-basta paniwalaan.
Ayon naman sa isang military official sa Sulu, hanggang kagabi ay inaalam pa rin ng militar ang ulat na ang Aleman ay pinugutan ng ulo matapos lumipas ang deadline na itinakda ng Abu Sayyaf para magbayad ng P30 milyon na ransom.
Ayon pa sa opisyal, kumikilos na ang militar para makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng Indanan Sulu, kung saan umano isinagawa ang pagpugot.
Samantala, sa spot report ng PNP Sulu, alas 3:30 kahapon ng umano’y pugutan ng ulo si Kantner ng Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni Muammar Askali alias Abu Rami sa Sitio South Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, pero hindi pa umano narerecover ang mga labi ni Kantner.
Binigyang-diin naman ni Padilla, na hangga’t walang matibay na ebidensya na magpapatotoo sa mga ulat ng pagpugot, ang presumption ay buhay pa ang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.