Confirmation ni Lopez sa DENR, muling kinontra

By Kabie Aenlle February 27, 2017 - 04:37 AM

Gina LopezIbinunyag ng Chamber Mines of the Philippines (CMP) na mayroong malinaw na conflict of interest sa pagiging Environment Secretary ni Gina Lopez na maaring magamit para tutulan ang kaniyang confirmation sa Commission on Appointments.

Ayon sa pahayag ng CMP, kinwestyon nila ang kakayanan ni Lopez na resolbahin ang mga trahedya sa kalikasan, dahil minsan nang pumalya ang energy business na pag-aari ng pamilya ng kalihim.

Partikular na tinukoy ng grupo ang nangyaring pipeline leak ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC) na nakapinsala sa West Tower Condominium.

Binanggit rin ng mga opisyal ng CMP na sina Artemio Disini, Nelia Halcon at Ronald Recidoro na hindi rin patas ang naging auditing sa mga minahan, lalo’t may mga anti-mining civil society organizations na nakabilang sa mine audit teams, tulad ng Alyansa Tigil Mina.

Wala man lang anilang inimbitahan na mga eksperto tulad ng geologists, social scientists at community health experts para maging bahagi ng “third party experts” ng audit teams, na kasama ng mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Iginiit rin ng grupo sa kanilang opposition letter na ang mga hakbang ni Lopez ay nagpapakita ng “undeniable bias” laban sa mga large-scale mining companies, kaya maituturing siyang “unfit and incapable” sa pagbibigay ng patas at makatarungang pagpapatupad ng batas, partikular na ang Philippine Mining Act.

Ayon pa sa CMP, pinapa-iksi ni Lopez ang mga proseso na bumabalewala sa due process, vested rights at maging ang sanctity ng mga kontrata sa pagitan ng pamahalaan at ng mga minahan.

Dagdag pa nila, kulang ang “administrative experience and competence” ni Lopez para pamunuan ang DENR.

Nakatakda nang dinggin ang kaniyang confimation sa Commission on Appointments sa March 1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.