Taliwas sa kanyang deklarasyon sa CA: Sec. Yasay nanumpa bilang US citizen noong 1986
Isang affidavit na nagpapakitang nanumpa bilang isang American citizen si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., ang hawak ngayon ng Inquirer.
Ito ay taliwas sa binitiwang pahayag ng Kalihim nang siya ay humarap sa Commission on Appointments (CA) at nagsabing kailanman ay hindi siya naging isang US citizen.
Sa naturang dokumento na pirmado mismo ni Yasay, November 24, 1986 nang manumpa ito sa Amerika bilang US citizen.
Taong 1993 naman, isinuko umano ni Yasay ang kanyang US citizenship.
Gayunman, nabigo ito na ma-reacquire ang kanyang Filipino citizenship kaya’t isang malaking kuwestyon ngayon ang paghawak nito ng posisyon bilang pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at maging ang pitong taong pagiging pinuno ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Batay sa hawak na dokumento ng Inquirer, opisyal lamang nag-renounce ng kanyang US citizenship si Yasay noong June 28, 2016 o dalawang araw lamang bago siya maitalaga bilang DFA Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon naman sa isang mambabatas, nabigo rin si Yasay na opisyal na ma-reacquire ang kanyang Filipino citizenship matapos nitong isuko ang kanyang pagiging US citizen.
Sa ilalim aniya ng ‘Dual Citizenship Law’ kinakailangang pormal na manumpa muli bilang isang Filipino ang isang indibidwal matapos itong mag-renounce ng kanyang naunang citizenship.
Ito aniya ay maaring hindi pa ginagawa ni Yasay dahil lilitaw na hindi pa siya Pinoy nang hawakan niya ang SEC, paliwanag pa ng mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.