Ginebra at San Miguel, 1-1 na sa 2017 PBA Finals series

By Kabie Aenlle February 27, 2017 - 04:18 AM

 

PBA photo

Mistulang nagbigayan ng laban ang Ginebra Gin Kings at ang San Miguel Beermen sa Game 2 ng 2017 PBA Philippine Cup Finals series.

Ito’y matapos masungkit ng Ginebra ang panalo sa Game 2, na nagtapos sa iskor na 124-118.

Matatandaang sa Game 1, malaki ang lamang ng San Miguel laban sa Ginebra, kaya sila ang nanguna sa unang laban.

Ngayon ay pareho nang 1-1 ang lead ng dalawang koponan sa Finals series.

Gaganapin ang Game 3 sa Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.