41 pasahero, ligtas sa pagtagilid ng sinasakyang bus sa Baguio

 

Maswerteng nakaligtas ang 41 na pasahero ng isang bus na tumagilid sa kahabaan ng Marcos Highway habang papalabas ng Baguio City, dakong tanghali ng Linggo.

Sakay ng nasabing bus ang mga empleyado ng Development Bank of the Philippines (DBP) na nagpunta sa Baguio City para sa isang seminar.

Ayon kay Rafael Valencia na presidente ng rescue organization na 911 On Call, nawalan ng kontrol sa preno ang driver ng bus na si Johnson Binabay.

Tumagilid aniya ang bus nang subukan niyang kontrolin ang pag-dausdos ng bus sa Sitio Badiwan sa Brgy. Poblacion, bayan ng Tuba sa Benguet.

Pito sa mga pasahero ang nagtamo ng minor injuries, at dinala sa Baguio City General Hospital and Medical Center.

Matatandaang noong nakaraang linggo, 15 pasahero ng isang tourist bus, karamihan mga estudyante ang nasawi makaraang mawalan ng preno at bumangga sa poste sa Tanay, Rizal.

Read more...