Lady TV reporter, patay sa IED sa Mosul, Iraq

By Jay Dones February 27, 2017 - 04:30 AM

 

Mula sa Rudaw TV

Patay ang isang babaeng reporter na nagku-cover ng opensiba ng puwersa ng Iraq laban sa grupo ng Islamic State sa Mosul, Iraq matapos itong masabugan ng bomba na itinanim sa gilid ng lansangan.

Ang biktima ay kinilalang si Shifa Gardi, war reporter ng Kurdish television na ‘Rudaw’.

Ayon sa ulat, Katatapos lamang mag-ulat ng ‘live’ ni Shifa sa kanilang istasyon nang maganap ang road side bombing sa western Mosul.

Ayon sa kanyang himpilan, isa si Shifa sa mga kinikilalang mamamahayag sa kanilang bansa dahil isa ito sa mga matatapang na babaeng journo na hindi natitinag sa kabila ng karahasan ng giyera sa Mosul, Iraq.

Bukod kay Gardi, nasugatan rin sa nasabing pagsabog ang cameraman nito.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang matinding pagsusumikap ng puwersa ng Iraqi Federal police na bawiin sa ISIS ang kabuuan ng Mosul.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.