January 25, idineklarang National Day of Remembrance para sa SAF 44

 

Inquirer file photo

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang petsang January 25 bilang ‘National Day of Remembrance’.

Ang naturang petsa ay ang mismong araw ng kung kailan namatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa tinaguriang Mamasapano incident noong 2015.

Sa ilalim ng Proclamation No. 164, bibigyan ng pagkilala at gugunitain ang alaala at ipinakitang kabayanihan ng napatay na SAF 44 at ang sakripisyong ipinakikita ng mga alagad ng batas upang pangalagaan ang kapayapaan sa bansa.

Taong 2015 nang maglunsad ng operasyon ang Special Action Force upang ma-neutralize ang teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Gayunman, kahit napatay sa operasyon ang dayuhang terorista, nasawi naman sa kanilang pag-atras ang 44 na tauhan ng SAF.

Nagresulta pa ito sa kontrobersiya na humantong sa imbestigasyon sa Senado at Kongreso.

Binalak rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling paimbestigahan ang Mamasapano incident sa pamamagitan ng pagbuo ng independent commission ngunit binawi rin ito kalaunan matapos maglabas ng resulta ng imbestigasyon ang tanggapan ng Ombudsman.

Read more...