Gayunman, patuloy pa rin nila aniyang sinisikap na kumpirmahin ang naturang impormasyon sa tulong ng mga impormante ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Dureza, isang tawag ang kanyang natanggap mula kay Col. Cirilito Sobejana, joint task force Sulu commander na nagsasabing kanilang biniberipika pa ang naturang ulat.
Hangga’t hindi pa aniya tuluyang nakukumpirma ang impormasyon, mananatiling nasa ‘search and rescue posture’ ang militar hangga’t hindi napapalaya ang lahat ng bihag ng Abu Sayyaf Group.
Batay sa source ng Radyo Inquirer, pinugutan na ng ulo ng grupo ng Abu Sayyaf sa pangunguna ni Muammar Askali alyas Abu Rami ang hostage na si Kantner matapos mabigo ang pamilya nito na ibigay ang ransom na 30 milyong piso.
Naganap umano ang pagpugot pasado alas 3:00 ng hapon sa Sitio Talibang, Brgy Buanza, Indanan, Sulu.