Militar, sinisikap pang beripikahin ang pagpugot sa Aleman-Dureza

By Jay Dones February 27, 2017 - 04:37 AM

 

jurgen kantner1Nakarating na kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang mga ulat ng pagpugot ng bandidong Abu Sayyaf Group sa 71-anyos na German na bihag nito na si Juergen Gustav Kantner sa Sulu.

Gayunman, patuloy pa rin nila aniyang sinisikap na kumpirmahin ang naturang impormasyon sa tulong ng mga impormante ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Dureza, isang tawag ang kanyang natanggap mula kay Col. Cirilito Sobejana, joint task force Sulu commander na nagsasabing kanilang biniberipika pa ang naturang ulat.

Hangga’t hindi pa aniya tuluyang nakukumpirma ang impormasyon, mananatiling nasa ‘search and rescue posture’ ang militar hangga’t hindi napapalaya ang lahat ng bihag ng Abu Sayyaf Group.

Batay sa source ng Radyo Inquirer, pinugutan na ng ulo ng grupo ng Abu Sayyaf sa pangunguna ni Muammar Askali alyas Abu Rami ang hostage na si Kantner matapos mabigo ang pamilya nito na ibigay ang ransom na 30 milyong piso.

Naganap umano ang pagpugot pasado alas 3:00 ng hapon sa Sitio Talibang, Brgy Buanza, Indanan, Sulu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.