Bihag na Aleman ng Abu Sayyaf, pinugutan na

 

Pinugutan na ng ulo ng Abu Sayyaf Group ang bihag nito na German National.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer, pinugutan ng grupo ni Abu Sayyaf Sub leader na si Muammar Askali @ Abu Rami ang biktimang si Juergen Gustav Kantner.

Nabatid na naganap ang pamumugot ng ulo sa Sitio Talibang, Brgy Buanza, Indanan, Sulu.

Ito ayon sa source ay dahil sa kabiguan na magbayad ng ransom ang pamilya nito kapalit ng kanyang kalayaan.

Matatandaang humihiling ng P30 milyong pisong ransom ang Abu Sayyaf para sa kalayaan ng Aleman.

Binigyan ng bandidong grupo ng hanggang alas-3:00 ng hapon ang mga kinauukulan upang ibigay ang naturang pera.

 

Read more...