Pacquiao-Khan fight, kasado na sa April 23

By Mariel Cruz February 26, 2017 - 01:51 PM

 

amir-khan-and-Manny-Pacquiao-mainKumpirmadong hindi na ang Australian boxer na si Jeff Horn ang sunod na makakalaban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa darating na Abril.

Ito ay matapos i-anunsiyo ng Team Pacquiao na si British boxer Amir Khan na ang nakatakda nitong harapin sa April 23.

Sa kanyang Twitter account, kinumpirma ng Filipino boxing icon na nagkasundo na ang Team Pacquiao at Team Khan para sa nasabing paghaharap.

Paliwanag ni Pacquiao, ito ay dahil si Khan ang napili ng kanyang fans na sunod niyang makakatunggali makaraan ang pitong buwan simula nang kanyang i-anunsiyo ang pagreretiro sa boksing.

Kamakailan ay nagsagawa si Pacquiao ng online survey sa kanyang Twitter page kung saan tinanong niya ang kanyang mga fans kung sino ang gusto nila na makalaban ng Pambansang Kamao sa United Arab Emirates.

Ito ay sa kabila din ng naikasang laban kay Horn sa UAE.

Sa nasabing survey, nakakuha ng pinakamataas na boto si Khan.

Sa hiwalay na Twitter post, kinumpirma din ni Khan ang nakatakdang laban nila ni Pacquiao sa April 23.

TAGS: Amir Khan, manny pacquiao, Amir Khan, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.