UPDATE: Ex-NBI Deputy Dir. Rafael Ragos, sumuko na sa NBI – DOJ

By Isa Avendaño-Umali, Ricky Brozas February 26, 2017 - 11:23 AM

ragosSumuko na sa otoridad si dating National Bureau of Investigation o NBI Deputy Director at Bureau of Corrections o BuCor OIC Rafael Ragos.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, kinumpirma ni NBI Director Dante Geirran na kusang nagpakita si Ragos sa tanggapan ng NBI ngayong araw ng Linggo para sumuko.

Si Ragos ay isa sa mga kapwa akusado ni Senadora Leila de Lima kaugnay sa Bilibid drug trade.

Nauna nang naaresto ng mga otoridad si de Lima, na ikinulong sa Philippine National Police o PNP Custodial Center; at dating driver/lover nito na si Ronnie Dayan na nakabilanggo naman sa Muntinlupa Police Detention.

Ang warrant of arrest laban kina de Lima, Ragos at Dayan ay inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court.

Matatandaan na tumestigo pa si Ragos laban kay de Lima sa congressional inquiry ng Kamara ukol sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison o NBP.

Kinumpirma ni Ragos na nag-deliver siya ng P5 milyon kay De Lima, na noon ay kalihim pa ng DOJ.

Bago naging NBI Deputy Director, nagsilbi si Ragos bilang direktor ng BuCor mula 2012 hanggang 2013, kaya naging malapit sila ni de Lima.

TAGS: Rafael Ragos, Rafael Ragos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.