DSWD, hindi pinuwersa ang mga 4Ps beneficiaries na dumalo sa pro-Duterte rally

By Isa Avendaño-Umali February 26, 2017 - 10:49 AM

 

Mula sa Twitter account ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo
Mula sa Twitter account ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo

Mariing pinabulaanan ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo na pinuwersa ng ahensya ang mga beneficiaries ng 4Ps para dumalo sa pro-Duterte rally sa Luneta kahapon (February 25).

Sa serye ng mga post sa Twitter ni Taguiwalo, sinabi nito na hindi namilit ang DSWD sa 4Ps beneficiaries upang dumalo sa rally na layong suportahan si Pangulong Rodrigo Duturte.

Aniya, sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DSWD at direktiba mismo ni Pangulong Duterte ay hindi niya hahayaang magamit ang ahensya sa anumang kampanya o laban sa anumang political agenda.

Dagdag ni Taguiwalo, hindi aniya iba-blackmail ng DSWD ang kanilang beneficiaries at lalong hindi pupuwersahin ang sinuman na pumunta sa mga boycott o political activity.

Sa katunayan, ani Taguiwalo, malaya ang mga benepisyaryo ng DSWD na pumili kung ano ang nais nilang political leanings, nang walang pangamba sa kanilang natatamong benepisyo mula sa alinmang DSWD program.

Nangako naman ang kalihim na iimbestigahan ang mga opisyal at staff ng DSWD na nagsabi raw sa 4Ps beneficiaries na ihihinto ang benepisyo kapag hindi pumunta sa pro-Duterte rally.

Hindi aniya kukunsintihin ng DSWD ang masamang gawain o pang-aabuso, lalo’t ang ahensya ay may mandatong tulungan ang mga mahihirap.

 

TAGS: dswd, pro-Duterte rally, dswd, pro-Duterte rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.