Pagkilos sa Luneta tunay na people power – Sec. Andanar

andanar1“Ito ang tunay na people power.”

Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa pagtitipon ng mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon kay Andanar ang tunay na people power ay walang kulay na asul, dilaw o ano pa man bagkus ito ay para sa lahat ng mga Filipino.

Sa nasabing pagtitipon tinanong ni Andanar ang mga taga suporta ni Duterte kung papayagan na magkaroon ng destabilisasyon at kung didepensahan ang demokrasya na sinagot naman ng crowd na hindi sila papayag.

Hinimok pa ni Andanar ang mga taga suporta ng pangulo na ipakita sa buong mundo na inirerespeto ng administrasyon ang Saligang Batas at iginagalang ang mandato ng taong bayan sa pangulo.

Read more...