Diumano’y ambush sa pinsan ni exSenator Jamby Madrigal pina-iimbestigahan ng DOJ

Aguirre
Inquirer file photo

Ipinag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pananambang sa pinsan ni dating senador Jamby Madrigal na si Lalaine Madrigal-Martinez.

Sinabi ni Aguirre na seryoso ang naging pahayag ni Madrigal-Martinez na tinambangan siya malapit sa Circuit sa Makati City.

Mababalewala anya ang kanyang tungkulin kung hindi niya seseryosohin ang naging pahayag ng biktima.

Sinabi pa ng kalihim na mas nais niyang maging seryoso sa halip na maging pabaya sa kanyang trabaho.

Nais ni Aguirre na malaman ang ugat ng insidente at matapos ang imbestigasyon ng NBI saka sila maglalaabs ng pahayag ukol dito.

Nauna ng itinanggi ng Makati Police na may naganap na ambush sa lugar.

Si Madrigal-Martinez ang sinasabing nagbigay ng impormasyon kay Aguirre na ang kanyang pinsan na si dating senador Jamby Madrigal at Laguna Representative Len-len Alonte-Naguiat ang nasa likod ng panunuhol ng P100M sa mga bilibid inmates upang baligtarin ang kanilang testimonya laban kay Senator Leila de Lima.

 

Read more...