Sunog sa gusali ng Hyundai Motors naapula na

By Erwin Aguilon February 25, 2017 - 09:31 PM

Fire truck
Inquirer File Photo

Inaalam pa ngayon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang iniwang pinsala ng sunog na tumupok sa gusali ng Hyundai Motors sa Quezon Avenue, Barangay Paligsahan, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong 7:02 ng gabi na umabot sa ikalimang alarma at idineklarang fire-out dakong 7:54 ng gabi.

Nag-umpisa ang apoy sa HR office ng kumpanya na nasa ikalawang palapag ng gusali.

Dahil sa nasabing sunog inilabas ang mga pasyente na nasa emergency room ng Capitol Medical Center na katabi lamang ng nasunog na establisemento upang hindi ang mga ito makalanghap ng usok.

Wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing insidente gayundin walang nadamay na mga sasakyan.

Sa ngayon nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

TAGS: fire, Hyundai Motors, quezon city, fire, Hyundai Motors, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.