Bigtime na drug syndicate sa ARMM naka-enkwentro ng AFP at PDEA

By Den Macaranas February 25, 2017 - 09:00 PM

Pdea-AFP1
Photo: Lt. Col. Harold Cabunoc

Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang miyemro ng pinaniniwalaang malaking sindikato ng droga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng 33rd Infantry Batallion ng Philippine Army na matagal na nilang sinusubaybayan ang nasabing grupo.

Pasado alas-otso ng umaga kanina ng isigawa ng AFP at PDEA ang paglusob sa kuta ng mga ito sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Lipao, Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao.

Nang makatunog ang labingliang mga suspek ay kaagad silang nakipag-barilan sa mga otoridad kung saan ay tumagal ng mahigit sa isang oras ang palitan ng patok.

Dahil sa pagdating ng mga dagdag na pwersa mula sa militar ay napilitang tumakas ang mga suspek at iniwan ang kanilang mga sugatang kasamahan na hindi muna pinangalanan.

Dalawang sundalo rin ang sugatan sa naganap na barilan na ngayon ay nasa ligtas na kalagayan ayon sa AFP.

Nakarekober ang PDEA sa kuta ng mga armadong suspek ng ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Isang follow-up operations naman ang ikinakasa ng AFP at PDEA para mahuli ang mga tumakas na suspek.

PDEA-AFP2
Photo: Lt. Col. Harold Cabunoc

TAGS: AFP, cabunoc, Illegal Drugs, maguindanao, PDEA, AFP, cabunoc, Illegal Drugs, maguindanao, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.