Robredo: Bantayan natin ang demokrasya

By Den Macaranas February 25, 2017 - 07:33 PM

EDSA leni
Inquirer file photo

Personal na nagpahatid ng suporta sa mga dumadalo sa People Power anniversary sa EDSA si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Robredo na mas kailangang maging mapagbantay ang sambayanan para matiyak na hindi na muling maibabalik sa bansa ang Martial Law.

Ipinaliwanag ni Robredo na mahalagang pangalagaan ng sambayanan ang naging matagumpay na pagpapatalsik sa diktadurya may 31 taon na ang nakalilipas.

Si Robredo ay kaagad na sinalubong ng kanyang mga tagasuporta nang siyang dumating sa panulukan ng EDSA at White Plains na siyang sentro ng kanilang pagtitipon.

Tulad ni dating Pangulong Noynoy Aquino, sinabi ni Robredo na hindi na siya magsasalita sa entablado.

TAGS: edsa, People Power, Robredo, edsa, People Power, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.